Nakakatuwang basahin `to.
Saturday March 28th 2009, 1:37 am
Filed under: craziness

Pag in love ang isang tao, hindi lang yung mismong love ang feeling na kailangang harapin and kailangang maramdaman. Meron pang mga kakabit na iba pa. And not only yung different feelings ang involve kundi pati yung mga moments na mahirap magdecide kung ano ba talaga ang gagawin mo to face those things. Anu-ano nga ba yung mga feelings na yun? Here are some of them.

1. Pagpaparamdam sa isang tao
                Here’s the most exciting part pag in love. Yung mga times na kailangan mong mag-flirt ng konti, pumorma, magpaka-ignorante sa mga assignments and kung ano pa mang pag-iinarte para lang mapansin ka ng taong kinakabog ng dibdib mo. Pero di rin ito yung pinakamadaling part kasi dito kailangan mong magtiis, or magpakababa ng standards para lang makuha ang atensyon niya. Lalong mahirap kung yung taong pinapakitaan mo ng ’signs’ ay isang napakalaking bato lang sa garden niyo. Magpaka-eppileptic ka man sa harap niya, aba! Parang wala talagang makita. Hirap talaga maging KSP paminsan-minsan. Pero di ba maganda rin namang magtiyaga to get something worthy in the end di ba?

2. Sabihing “BUSTED KA.”
                Mahal ka ni guy number 1, pero mahal mo si guy number 2. Paano mo sasabihing ayaw mo kay guy number 1? Ayaw mong saktan siya nang basta ganun nalang, at the same time, ayaw mong ma-misunderstand ni guy number 1 na pinaasa mo lang siya sa matinding WALA. Hirap man gawin, kailangang mamili ka sa mga kailangan mong gawin ng mabuti. Kasi malay ba natin kung si guy number 1 na gusto mong i-reject ay mas mahal ka pa pala kaysa kay guy number 2.

3. Pagbabalik ng EX mo
                Heto ka na at napakasaya sa piling ni Mr. Right. Isang araw, nabunggo mo ang isa sa mga dakila mong ex na pinagpalit ka lang sa isang nobody. Ngayon, pilit niyang ine-explain sa iyo kung gaano siya nagkamali sa kanyang nagawa and how he wanted you back in his life kahit pilit mong pinamumukha sa kanya na “I’m doing great without you!” Cheated you once, wanted to cheat you twice nga ba ang nasa isip mo? Or iniisip mong he deserves another chance? Love is sweeter the second time around sabi nga nila. Baka mauwi lang sa pamimili sa noon na gusto mong balikan at ngayon na ayaw mong saktan.

4. Pagsasabi ng “I Love You” sa isang taong di naman pala
                Nalagay ka na ba sa alanganin dahil nadulas ang dila mo sa ilang kataga na hindi naman dapat? Nasabi mo nalang na mahal mo ang taong yun dahil lang sa awa, dahil ayaw mong masaktan siya, or dahil love mo nga siya pero as a friend lang. Ang nakakakonsiyensiya pa dun ay pag dinamdam niyang maigi yung sinabi mo na parang buong buhay na niya ang hawak mo. Wala ka nang kawala. Para kang genie na na-trap sa isang magic bottle. No choice ka kundi ipagpatuloy ang naumpisahan at umaasang matututo ka ring mahalin siya. Unless, ganun ka katapang para aminin sa kanyang di mo sinasadyang mag-I Love You sa kanya.

5. Martyrdom Case #1
                “Sinaktan niya ko! Binalewala niya ko! Ginawa niya akong tanga! Hmph! Bahala siya. Pero bakit ganito? Mahal ko pa rin siya.” Sabay lakad nang nakaluhod papuntang altar. Hindi kaya magtaka ang mga tao sa inaasal mo? Pinalaki ka ba talagang ganyan ng mga magulang mo? Pero sa totoo lang, dito na pumapasok yung sinasabi nilang PAGPAPAKA-MARTIR sa taong mahal mo. Matindi na talaga tama mo sa kanya dahil kahit anong gawin niyang way para saktan ka, andyan ka pa rin para sa kanya, at sa kanya lang - wala nang iba. Sa pagkakataong ito, di mo kailangang i-down pa lalo yung sarili mo (kundi talagang magtataka na ang mga tao sa ginagawa mo) dahil wala kang kasalanan. Yan talaga ang tunay mong nararamdaman.

6. Trapped in nowhere
                Kasama mo ang boyfriend mo sa jeep nang biglang sumakay ang former girlfriend niya sa tabi ng boyfriend mo. Nakakakulo ng dugo ‘no? Pero di mo naman pwedeng kaladkarin pababa ng sasakyan yung ex niya dahil never namang ikaw ang tumanggap ng kita ng driver sa jeep di ba? Isa pa, kung nagseselos ka, tandaan mong di lang ikaw ang ipit nung time na yun. Ang boyfriend mo, di rin alam ang ikikilos niya dahil nandyan kayong dalawa. Ang ex-girlfriend niya, na ilang na ilang na sa inyo sa mga oras na yun. Kung tutuusin, di mo na siya pwedeng pababain dahil sa nararamdaman ng gurl na yun, bababa nalang din siguro siya. Matatapos din ang moment na yan, don’t worry. Makakahinga rin kayong tatlo. Isa pa, past is past ika nga.

7. Bawal na dahil sa commitment

                Kung may sangkatutak na reasons para maging loyal ka sa taong mahal mo, may sangkatutak din namang tukso na lumalabas galing sa impyerno para magtaksil ka. Isa na dito yung pagdating ng ilang Significant Someone sa buhay mo habang nananahimik ka na. Mahirap umiwas sa taong innocent-looking pero deep inside, lumiliyab na yung feelings mo para sa kanya. Mahirap din namang diktahan nalang ng ganun yung tao kung ano ang gagawin. Once love strikes, wala ka nang magagawa. Lalo na pag too late na ang warning na dumadating.

8. Bawal na dahil sa kaibigan
                Kakasabi ko lang na hindi nga pwedeng diktahan ang puso dahil hindi natin kaya minsan di ba? Pero paano kung ang best friend mo, naunang mangumpisal sa’yo tungkol sa nararamdaman niya sa taong mahal mo rin? Ipit ka na naman sa isang sitwasyong hindi mo alam kung tatawagin mo pang best friend ang best friend mo. Tapos heto ka pa, deny-deny sa lovelife mo pag ikaw na ang tinanong kung sino ang tinitibok ng heart mo. Minsan pa, date sila nang kasama ka or kain sa labas habang nasa likod ka at pinapanood ang pagsusubuan nila. May mga times na ikaw pa ang takbuhan ni ‘best friend’ pag may problem sila ng mahal mo. Haay! Friendship could reach the stars, but how could friendship mend broken hearts? :’(

9. “Mahal ko na nga ba talaga siya?”
                Sobrang di makapaniwala o sobrang katangahan? Maraming cases kung saan ayaw mong aminin sa sarili mo na mahal mo na ang isang tao. Na parang imposible, pero heto ka at nangingiti mag-isa. Na parang hindi ka pa ready dahil ayaw mo pang masaktan ulit. Na parang close lang talaga kayo kaya mo siya love. Hindi mo sigurado pero bakit nasasanggi sa isip mo ang word na ‘Love’? Yung pagiging di mo sure minsan ang nakakapag-lead sa isang unwanted relationship. Na mas nagwo-work pa kung di kayo, or sometimes, sa phrase na “akala ko lang pala mahal kita.”

10. Martyrdom Case #2
                Pagtatago ng feelings mo for the sake of that love na yan! Di mo pinapahalatang nasasaktan ka na or di mo pwedeng sabihing ganito ang nararamdaman mo. May mga pagkakataong pa, ikaw na nga ang argabyado at kawawa, ikaw pa ang mali at yung sinisisi dahil nagkaganyan kayo. Mali na kung mali, ang kailangan mo lang naman is yung sincerity and totoong pagmamahal niya. Kahit nga simpleng appreciation niya lang sa mga ginagawa mo para sa kanya, parang pinagkait pa sa’yo. Talaga nga naman!

                Ilan lang ito sa mga pagkakataong mare-realize mo na hindi talaga madaling ma-in love. May mga pagkakataong iisipin mo ulit yung single life mo, and kung gaano ka kasaya pag ganoon.

 

Pero tatlong bagay lang na kailangang tandaan. Kung talagang mahal mo ang taong ito, may limitasyon kung hanggang saan, you can’t expect anything from the one you love, at handa kang harapin ang lahat - no matter what happens whether it hurts you or not. Ito lang ang mga tests para masabing true love nga talaga ang true love.

 

 



BYE HS LIFE :’c
Tuesday March 10th 2009, 4:50 am
Filed under: school related

Grabe. It`s just like yesterday, I entered high school then now, I`m leaving high school na. It`s just like yesterday is my first day in USL. And I don`t know how to adjust with the new environment, new school, new teachers and new classmates. During my first year here, I am not happy, absolutely not. Everyday ba namang sirain ang araw mo eh, what`s more annoying than that? For how many times, sumagi sa isip ko na if nag stay ako sa SXMS, masaya sana. It would not be difficult for me to express the real me. It would not be harder for me to speak up, like that and etc. That`s why I didn`t expect na magiging masaya ako dito. But you know what? I was definitely wrong.There are lots of GOOD experiences that turn out to be memorable ones. I even cherish those BAD times, I know that those are just challenges and are part of life.

I never thought that my Graduation is indeed fast approaching. I don’t have the exact words that can explain how I feel right now. I just feel afraid. You know, it`s hard to leave them (teachers, friends/classmates) ng ganun na lang. We will have our separate ways, and maybe we will not cross our path again. On the other hand, I just feel proud. After all the 4 years of hardships, I finally made it. I feel proud for the people who helped, supported and guided me to reach this goal. For this reason, I want to thank them all.

First, thanks to God for keeping me safe always and for the blessings He granted to me. Thanks to USL for the quality education, for building and preparing me in my future. Thanks to my mentors, for your efforts, for your patience, for the encouragement and for all the things that you have taught us.

Of course, thanks to my parents who are always there right beside me. Thank you for guiding me and supporting me always. Thanks for the love and care. Yung mga sakripisyo at efforts niyo in your work, I won`t forget all those things ma & pa. I am very gratefulto have you talaga.

Lastly, super thanks to my dear friends and classmates (I-Apitong, II-St.Peter, III-Honesty, IV-Luna). Thanks for all the memories. Through the years na magkakasama tayo, thanks so much sa lahat ng tawanan, iyakan, sa mga korning jokes, sa mga kalokohan and even sa mga away and tampuhan. Also, thanks to the people who are making me feel special in their own little ways. Thanks for sparing your time with me. Thanks for the attention, I always appreciate those things if alam niyo lang. =] Thanks for accepting who I am. You guys really played a big role in my life. You helped me to become a better person, who is me now. Kaya thank you so much talaga. I am very glad `coz I met you all. God bless us na lang in our next journey in life. hehe

I do really love you all! I will miss you all!

Happy Graduation to all Fourth Years Batch 2008-2009!

PS

Luna:: Guys, thanks for giving me the privilege to be called Grammar Expert, Literature Expert, Ms. Well-groomed and most especially, Ms. Luna `08-`09. Even though, you consider me as “sugapa” because of that. Okaii lang. Ahaha. Feel na feel ko eh, noh? Di ko inexpect eh. Well, I will treasure that, `di ko yun makakalimutan. Promise.



what else can I say?
Friday March 06th 2009, 10:48 pm
Filed under: random thoughts

The name is Jean Claudine Epac. I have a lot of nicknames: Jean, Jean, Clau, Claudz or Claudine, either way, I respond to all. I am just an ordinary girl waking up every morning to face this flawed world. I am your usual teenager who dreams of unusual lover. I love to hang-out with my friends. I enjoy getaway vacations and I long for new adventures. I really hate when boredom strikes me. I live to love. I love to sing, to dance, to read and to write. I also love to eat and to sleep. I love to travel and to explore things out of that. I love pink as much as I love blue and white. On the other hand, I hate fighting and contradiction. I hate malevolence and violence. I hate people who treat me like a crap. I am definitely a good girl. I do live a disciplined life even though I grew up not being so dependent to my family. I may be “pasaway” sometimes, but I can still manage my priorities and limitations, as well. I take no unnecessary risks. I always make sure that every decision I make won’t put me to any danger. I always wanted to live my life to the fullest but I can’t. I am not expressive; I usually keep my emotions hidden. Though deep inside, I get mad easily, later some time, I’m already over it. I do cry often. I am vulnerable beyond belief. I can’t imagine how fragile I’ve become. Now, I always try to be strong in order to keep this life going. I am shy, a silent-type of person. Most of the times, my mind is in the air. I might not speak when spoken to. Other times, I talk only to my closest associates. I know my true friends are. I think I’m definitely not numb to identify them. I can comprehend even with that simple gaze. I am quite moody. I might be snobbish or “suplada” at first. Then, you’ll just find out that you misjudged me if and only if you got to know me well. It’s not hard to please me, anyway. I’m understanding and approachable. I am choosy. To tell you frankly, I am a perfectionist. I strive to be content. If I started to work on something, I will truly finish it. I don’t want to have regrets later. But hey! Nobody’s perfect, that’s why I learn from my own mistakes and I learn from my own experiences.



they are just some.
Tuesday March 03rd 2009, 3:29 am
Filed under: craziness

Some Bob Ong quotes..

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”

2. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa..”

3. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.”

4. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

5. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.”

6. “Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

7. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

8. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakaka “L” ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

9. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

10. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

11. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

12. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

13. “Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka din.”

14. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

15. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

16. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

17. “Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka naming sinasaktan. Imbes na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’ Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabale-wala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. Wag kang magpadala sa salitang ’sorry’ at ‘ayokong mawala ka’. Kung totoo yun, papatunayan nya.”

18. “Minsan nililinlang ka na lang ng sarili mong damdamin na akala mo nasasaktan ka pa din. Pero ang totoo-naalala mo lang talaga yung pakiramdam nung nasaktan ka. Pareho lang din yun sa pag-aakalang mahal mo pa yung tao pero ang totoo- naiisip mo lang yung pakiramdam mo dati nung mahal mo pa siya.”

19. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

20. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

21. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

22. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

23. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

24. “Bakit ka magtitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo mo? Wag mong ikulong ang sarili mo sa hawlang ginto pero sira ang kandado. Sino bang may sabing hindi madaling makahanap ng kapalit? Kahit ibon marunong maghanap ng bagong pugad, tao pa kaya?”



just read it..
Sunday March 01st 2009, 5:29 am
Filed under: random thoughts

          Once a upon a time, may napakagandang prinsesa sa isang malayong kaharian. Pero kahit marami itong manliligaw, walang makapagpaibig sa prinsesa. Then one morning, pagsilip niya sa balkon ng palasyo ay may nakita siyang isang knight na galing sa malayong lugar. Guwapo ito, makisig. The princess instantly fell in love. At na-inlove din sa prinsesa ang knight. Kaya pala siya naglakbay ng pagkalayu-layo, kasi nabalitaan niya kung gaano kaganda ang prinsesa. Nagtapat siya ng pag-ibig sa prinsesa habang nakadungaw ito sa balkon. Pero nagbigay sa kanya ng kondesyon ang prinsesa. May malapit na burol doon na abot-tanaw mula sa kuwarto ng prinsesa. Ang sabi ng prinsesa, kapag nagtagal siya roon ng one hundred days and night, sasagutin na ito ng prinsesa. And the princess said to the knight, “If you really love me, you’ll stay on that hill for a hundred days and knight, where I’d be able to watch you from my window.”. Pumayag sa kondisyon ang knight. And he said, “Just to prove to you that I love you, I’ll spend the entire one hundred days and night on that hill.”. At iyon ang nangyari. Noong mga unang gabi, pag sinisilip ng prinsesa ang knight, masipag ito, tinutulaan pa siya at kinakantahan. Ganoon nang ganoon kada araw na lumipas. Pero nang naka-ninety days na ito sa taas ng hill,  napansin ng prinsesa na medyo matamlay na ito. Pero naroon pa rin ito. Nang  umabot na sa one hundred night, napansin niya na ang lungkot-lungkot ng knight. And the princess said to her self, “Tutal, bukas na ang kasunduan namen, at gusto ko rin siya, first thing in the next morning ay sasagutin ko na ang pag-ibig niya”. The next morning, pagdungaw niya sa window. Wala na ang knight niya. ~

 

 

          As a reader of this story, I can say that if you really love a person, no need for you to wait for a hundred days and nights just to tell him you love him.  True love is not about waiting for anything in return. Kapag nagmahal ka pala, hindi mo kailangan matakot na baka hindi ibalik sa iyo ang pagtingin niya. You just do what you have to do but of course, you see to it that no one will be hurt! You still have to consider your limitations. And syempre, hindi dapat forever na ganyan. Hello. Can you not get over it?  Hindi lang po siya ang tao sa mundo. Learn to move on. As what they always say, life must go on.